Senate media interview of Senator Win Gatchalian on the arrest of Alice Guo
September 4, 2024
SENATE MEDIA INTERVIEW OF SENATOR WIN GATCHALIAN ON THE ARREST OF ALICE GUO
Q: Statement on the arrest of Alice Guo
SEN. WIN: Nagpapasalamat ako sa Indonesian government at mabilis silang rumesponde sa request natin na mahuli ang mga tumakas, sina Guo Hua Ping aka Alice Guo; si Zhang Mier aka Shiela Guo; even si Cassandra Li Ong. Kung titignan natin ang timeline siguro wala pang two weeks nahuli na ang tatlo ito dahil nung nabunyag sa floor ni Senator Risa ang kanilang pagtakas at nagbigay ng statement ang ating Pangulo na heads will roll, mabilis ang rumesponde kaya malaki ang ating pasasalamat natin sa Indonesian Government dahil mabilis ang kanilang pagmobilize ng kanilang enforcement agencies. At nagpapasalamat din ako sa NBI at BI dahil sila ang agencies na nagko-coordinate at nagbibigay ng information sa Indonesia Government para mahuli ang mga ito.
Q: What do you expect from her now?
SEN. WIN: Dito siya made-detain. Ang Senate lang ang bukod tanging institusyon na may arrest order. So dito siya dapat i-detain at dito siya dapat dalhin after ng processing ng mga enforcement agencies tulad ng Bureau of Immigration at NBI at ang nakikita kong mga dapat pag-usapan ay ang mga, kasi na-establish na may money laundering. Saan nanggaling ang pera? At sino ang kanyang partners dito sa money laundering at saan ang pinanggalingan ng pera, ano ang source ng pera? Typically ang money laundering, ang source nyan galing din sa illegal means, human trafficking, drugs even ngayon yung mga scamming nagiging source din yan ng money laundering. At pagdating dito sa ating bansa, gusto ko ring malaman sa kanya sino ang government officials na kasama niya o tumulong sa kanya sa pagtatayo ng POGO. Based on intelligence reports na nakuha namin sa executive session, may mga links ng government officials even enforcement agencies natin dito sa POGO hub sa Bamban so gusto nating malaman sino ang mga taong ito at sino ang tumulong sa kanya para mapalaganap nya ang illegal operations sa Bamban.
Q: Sir, sabi ni General Ancan possible na mapayagan ang paggamit ng cellphone as per SP dito po sa detention?
SEN. WIN: Hindi ko pa alam kung ano ang dahilan at kung ganyan ba ang instructions ni SP. Pero in the past, hindi pinapayagan na magkaroon ng sariling cellphone sa loob ng kanyang detention cell. Kung gusto niya tumawag at makausap ang kanyang abogado o kung sinuman ang gusto niyang kausapin dapat gumamit siya ng cellphone outside detention cell yung common cellphone at may permission of course sa ating Sergeant-At-Arms. So yan ang nature ng detention. At ma-avoid din natin ang contact niya sa mga tao sa labas, hindi natin alam sino pa pwede nya kausapin. Alam natin may link sya sa sindikato baka makausap nya itong mga sindikato. Kaya mas maganda maipatupad ang rules na walang cellphone sa loob ng detention cell at papayagan lang na tumawag na ipapaalam sa Sgt At Arms sa labas ng detention cell.
Q: Ipapakiusap niyo sa OSAA?
SEN. WIN: Ika-clarify kasi ganun ang rules ng OSAA sa mga nade-detain.
Q: Sir yung sinasabi nyong government officials at government agencies na may link sa POGO hub, gaano kataas?
SEN. WIN: Hindi ko masabi dahil I'm still bound with the executive session but definitely meron, according to our intelligence agencies. At mas maganda na manggaling sa kanya yun dahil siya ang direktang nakikipag-transact sa mga taong ito. Kasi ang paghinto sa POGO is only one aspect pero ang mga taong tumulong mabuo itong mga POGO sa ating bansa kasama ang government officials, mga politicians, government officials, even enforcement agencies kailangan natin malaman at habulin. At ako naniniwala na si Guo Hua Ping kilala niya ang mga ito.
Q: May details pa po kayo about her arrest?
SEN. WIN: For now, kausap ko si General Santiago this morning after the arrest, kumukuha pa rin sya ng details. Ang alam ko lang nagpadala na siya ng tao immediately doon sa Indonesia para i-process ang arrest at blow by blow na nakikipag-coordinate naman sa Indonesian authorities kasama nila Philippine embassy sa Indonesia to facilitate yung mga papers as well. Yan ang information na ibinigay sa atin.
Q: Do you think it is possible within the day maibalik siya dito?
SEN. WIN: I think possible yan. If you remember dati si Shiela Guo bumalik mga around 5pm so possible yan. But we will get more detail kay General Santiago.
Q: Positive ba kayo na magsasabi na sya ng totoo?
SEN. WIN: Wala na siyang choice, dead end na ito para sa kanya, ito na ang dead end. Nakita natin ang daming kasong hinaharap niya at wala na siyang pupuntahan, hindi na siya makakatakas uli. At importante kasi ang mga kaso umusad, na-file na ang money laundering case, yung human trafficking. Importante rin na umusad ito para makakuha tayo ng hold departure order. Importante rin yan dahil after the Senate, kung ma-extract namin information sa kanya at hindi pa napafile ang mga kaso at wala pa hold departure order ay baka pwede sya tumakas uli, flight risk sya at this point eh. So importante na may hold departure order after the Senate hearings.
Q: At hindi lang po sa Bamban POGO ang pagtatanong sa kanya pati Porac?
SEN. WIN: May connection na na-establish na natin yan. Kasama nya si Cassandra Li Ong. At si Cassandra ang primary personality sa Porac at nakita natin magkasama sila. So definitely konektado itong dalawa at marami kaming nakitang similarities, we will discuss that sa hearing tomorrow between the Porac and Bamban POGO hubs.
Q: Hanggang kelan kaya si Mayor Guo?
SEN. WIN: Depende sa kanyang sasabihin kasi na-establish naman natin na siya ang sentro dito sa Bamban POGO hub pero gusto nating malaman sinu-sino pa ang mga kasama niya. Both the foreign nationals, mga kasabwat nya sa government, kasabwat niyang politicians at sa mga enforcement agencies. Kaya nga we have to go deeper into the investigation.
Q: What does it say about our law enforcement agencies?
SEN. WIN: Nakakahiya ito para sa enforcement agencies natin dahil ang last appearance niya dito May 22. Almost two months siyang hinahanap dito yun pala nakatakas na. So wake up call ito sa law enforcement agencies na yung kanilang intelligence network, yung kanilang paghahanap, pamamaraan ng paghahanap ay hindi effective at hindi nahuhuli ang mga gustong tumakas. Kasi kung ko-compare natin sa Indonesia less than two weeks nahuli na agad. Sa atin two months nakatakas, at hindi natin alam na nakatakas na pala. Yun ang masama hindi mahuli dahil hindi natin alam wala na pala sa Pilipinas. Pagkakamali ni Alice Guo for some reason nagkaroon sila ng return flight sila from Singapore to Manila. Yung return flight na yun ang nagbigay ng idea na wala na pala dito sina Guo Hua Ping. I don't know bakit may return flight. Pero yun ang nagbigay ng idea. Yun ang nag-trigger sa PNP na wala na sila dito sa Pilipinas. Eh kung di nila binook wala tayong kaalam alam na wala na pala dito sa Pilipinas at niloloko lang tayo dahil sinasabi sa abogado na andito lang ako yun pala wala na sila dito.
Q: Sir, are you confident na may sabwatan sa law enforcement agencies?
SEN. WIN: Yun ang isang hindi natin pwedeng tanggalin sa isip natin dahil nga bakit two months hindi mahanap hanap. Two months na paikot-ikot siya dito, two months na nakatakas siya hindi natin mahanap-hanap. Hindi ko rin maalis sa isip natin baka nagkaroon ng sabwatan within our enforcement agencies dahil sa Indonesia after binigay ang notice agad na nahuli si Sheila Guo at Cassandra. I think less than one day or two days lang yun nung nagsalita si Presidente nahuli agad. At less than, ito nahuli uli si Guo Hua Ping that's less than two weeks. Kung nagagawa nila yun bakit dito sa atin hindi nagagawa ng enforcement agencies natin. Kaya hindi mo maalis sa isip natin na baka merong nagti-tip sa loob. I'm not saying tinulungan siya tumakas but may nagti-tip sa loob na o dito pupunta na kami, hindi natin maalis yan kaya nakatakas din sya.
Q: What if mag-refuse pa rin siya?
SEN. WIN: Hindi kami papayag na hindi siya magsasalita. Tatagal siya dito at we will transfer her to a regular detention cell baka i-transfer siya sa correctional so hindi kami papayag na mage-evade siya ng tanong. Naloko na tayo nung una itong kanyang farm story. Itong pangalawa hindi na tayo papaloko uli.
Q: Hindi siya papakawalan hanggang walang warrant?
SEN. WIN: Ang importante magsalita siya at importante may hold departure order bago siya pakawalan dahil flight risk na siya. Obvious naman yun, flight risk na siya. So kapag pinakawalan natin siya na walang hold departure order tatakas uli yan.
Q: Other measures para hindi na makatakas?
SEN. WIN: That's why ang challenge ngayon nasa enforcement agencies na bilisan ang pag-file ng mga kaso at make sure na ang kanilang hearing ay tuloy-tuloy. Pwede naman humingi ng, I know they can request for preliminary hold departure order kung ma-prove na flight risk ang tao. Pwede na sila punta sa korte ngayon at humingi ng preliminary hold departure order kasi may may evidence naman na tumakas sya eh.
Distribution channels:
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
Submit your press release