Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Saturday, April 20, 2024 · 705,179,690 Articles · 3+ Million Readers

Statement of Senator Risa Hontiveros on next steps and long term solutions on the issue of human trafficking

PHILIPPINES, December 2 - Press Release
December 1, 2022

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON NEXT STEPS AND LONG TERM SOLUTIONS ON THE ISSUE OF HUMAN TRAFFICKING

Ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ay patuloy na mag-iimbestiga para tuluyang mapanagot ang mga grupo o indibidwal sa BI man o sa MIAA, na nagpahamak sa mga kapwa nating Pilipino. Dapat mapaigting din ang border control dito sa Pilipinas para masigurado na hindi natin ipapasakamay ang ating mga kababayan sa mga sindikato.

Kailangang mapauwi na din muna ang mga Pilipinong naitratraffick papuntang ibang bansa para mangscam. Kailangan ang mabilis na koordinasyon sa iba't ibang ahensya ng gubyerno, tulad ng DFA, DMW, at OWWA, pati na ang ugnayan sa mga pamahalaan sa ibang bansa.

Moving forward, there have to be clear transborder solutions. The Philippines, Thailand, and Malaysia are bound by the ASEAN convention against trafficking in persons kaya dapat mayroong tighter coordination para sugpuin ang krimeng ito. Mainam na may pagtutulungan at koordinasyon din sa mga estado ng US, Canada, Germany, at UK, lalo na at ang mga mamamayan nila ang kadalasang biktima ng mga scams.

Walang agarang solusyon sa hirap ng buhay ng ating mga kababayan na naguudyok sa kanilang makipag-saparalan sa ibang bansa. Kaya dapat ring mapabilis ang pagsagawa ng mga programa at polisiyang talagang makapagbibigay ng disenteng pamumuhay sa bawat Pilipino.

Powered by EIN Presswire
Distribution channels:


EIN Presswire does not exercise editorial control over third-party content provided, uploaded, published, or distributed by users of EIN Presswire. We are a distributor, not a publisher, of 3rd party content. Such content may contain the views, opinions, statements, offers, and other material of the respective users, suppliers, participants, or authors.

Submit your press release